[Ryodan] Kawalan ng Respeto at Paggalang. Ganyan Na Ba Ang Ilan sa Atin?

Dave D'Angelo phil_lenin at yahoo.com
Sat Jan 12 02:47:34 PHT 2008


Nang simulan ko ang blog na ito ay sinabi ko na sana ay maging daan ito para mas malaman pa natin at muling matuklasan ang ating sarili bilang mga Filipino. At kahit na hindi ganun karami ang nagpupunta rito ay masaya na rin ako.
 
 Mga ilang linggo na rin ang nakakaraan ng sulatin ko ang artikulong, "Maharlika Ang Dakilang Lahi." Sinulat ko ito upang magbigay ng isang pananaw. Magbigay lamang ng sarili kong pananaw pero hindi pilitin ang iba na sumang-ayon.
 
 Kahapon nakatanggap ako ng isang komento mula sa isang yahoo groups na sadyang nakapagpangilid ng aking luha at damdamin. Ang pinakamahirap ay yung sabihan kang "sicko" at sabihin sayo na may motibo ka para isulat ang mga bagay na ito. Ang husgahan ka bilang tao ng isang tao na hindi mo naman kakilala.
 
Eto ang buong komento:

Dave,

Our current government is not perfect and generally base on this principles;

1. Liberty

2. Pursues happiness.

Liberty-- in our constitutions we are guaranteed of freedom of speech, etc....provided within the scope of our cuurent law. As a typical example,you Dave, is advocating our youth to become a communist, in the "Pretend" of being nationalistic, going back where we are,etc... although not impossible but very hard.

Pursues Happiness--- Work hard, and when saves enough stopped working and tours around the world,in a communist system, what is mind is yours and what is your is yours.

What you are doing is fooling the people for your own selfish motives, Pilipinos are not that "naive" so stop fooling around.

Even your name is not Pilipino, it is a combination of american and italian, why dont you start changing your name as a start? If you remember, I called you "sicko" imagine changing the Philippines to ":malaking Titi"!

You need help.

Sinagot ko po ang kumentong ito sapagkat sadyang hindi ko kayang palampasin ang mga taong sadya yatang mahilig mamersonal kahit na dapat sa mg ganitong ideya ay ideya lamang ang pinagtatalunan at hindi pinepersonal pati ang tao. Eto po ang aking sagot...

Nakakalungkot naman ang komentong ito. Napaka personal naman ng pagkakabanat. Isa ito sa dahilan kaya hindi magkasundo dito sa ating bayan dahil sa mga taong kagaya mo.

Una kaya ganito ang pangalan ko dahil ang nanay ko ay Filipino-American at ang tatay ko ay Brazilian. My Great Great Uncle is Franklin Delano Roosevelt and my fullname is David Delano D'Angelo.

Hindi ako "sicko" at hindi ako nasisiraan ng bait. Nagpahayag lang ako ng isang pananaw at hindi ko ito pinipilit na sang-ayunan ng sinuman. Ito ay isa lamang pananaw. Sumang ayon ka okey.. wag kang sumang-ayon okey din.

I am not fooling around for my own selfish motives? What motive could I have? Simple lang akong tao na tumutulong sa kabataan at hindi ako nag aadvocate ng anumang sinasabi mo. Hindi mo ako kilala bilang tao at kung sino ako kaya kung maaari lang ay huwag mo akong husgahan. Kung may pina-aralan ka hindi ganyan ang magiging banat mo.

Iginagalang ko ang inyong mga pananaw at ni minsan ay wala akong tirang o reply na kabastusan o below the belf. Ito ay ng sa gayon anuman ang ating pananaw tayo ay makakakain sa isang lamesa ng walang sama ng loob.

Ang ini aadvocate ko ay ang pananaw na tingnan ng bawat tao ang kanyang kapwa tao bilang bahagi ng isang malaking lipunan at tulungan din ito na maging maayos. Ang problema sa atin masyado tayong individualistic.

We are in this world not for ourselves and not for our own enrichment.. we are here to make a difference and to create a ripple in another one's life.

Wag mo akong husgahan dahil hindi mo ako kilala!

Bilang tao iginagalang kita kaya sana naman ay igalang mo rin ako.

Salamat po!

Dave
Sadyang mahirap sumalungat sa direksyon ng agos at magbigay ng pananaw sa isang bagay kung bukas ang isipan at sadyang mapanira ang mga makakaharap mo.
 
 ( Basahin ang iba pang artikulo at pananaw sa www.pagodkanaba.blogspot.com  )
 
       
---------------------------------
Never miss a thing.   Make Yahoo your homepage.
-------------- next part --------------
An HTML attachment was scrubbed...
URL: http://broodonline.com/pipermail/ryodan_broodonline.com/attachments/20080111/46aac4e2/attachment.html 


More information about the Ryodan mailing list