[Ryodan] Manindigan Para sa Karapatan sa Isang Gobyernong Makatarungan at Para sa Mamamayan!
Dave D'Angelo
phil_lenin at yahoo.com
Thu Nov 29 17:17:33 PHT 2007
Manindigan Para sa Karapatan sa Isang Gobyernong Makatarungan at Para sa Mamamayan! Ang nangyayari ngayon sa Manila Peninsula Hotel ay isang representasyon ng ilan sa natitirang mga mamamayang Filipino na handang manindigan at ialay ang buhay para sa kinabukasan ng ating bansa. Pinapakita ng gobyerno na sila ay masasamang tao na gustong mang agaw ng kapangyarihan at may pansariling interes lamang.. subalit sino ang may pansariling interes.
Sa gobyernong ito napakaraming anumalya ang nangyari. Umuunlad nga tayo sabi ng ating GNP pero bakit mas marami pa rin ang naghihirap at kailangang umasa sa "feeding program" ng pamahalaan. Dahil sa takot na maalis sa kapangyarihan ay pinalaya si dating Pangulong Estrada. Ito ay ginawa para makuha ang mga masa na matagal ng naghihirap at patuloy na naghihirap dahil sa pananatili ng isang gobyernong hindi tumupad sa mga paninindigang binitawan noong EDSA DOS.
Sabi nila wala raw sumusuporta sa pagkilos nina Trillanes, Gen. Lim, dating Bise Presidente Guingona at iba pa pero bakit nga ba parang ayaw makialam ng tao? Simple lamang ang dahilan dahil sawang-sawa na ang tao na umasa na mababago pa ang kapalaran ng masa. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit karamihan sa mga pinoy ay pagod na. Sawang sawa nang umasa sa mga pulitiko na patuloy na hindi naglilingkod para sa interes ng taong bayan.
SA DAMI NG ANUMALYA HINDI PA BA TAYO MAGIGISING? ALAM NG LAHAT NA LANTARANG NANDAYA NOONG 2004 ANG NAKAUPONG PANGULO PERO PAPABAYAAN BA NATIN AT TATANGAPIN NA PINAMUMUNUAN TAYO NG ISANG MANDARAYA? KARAPATAN NATIN NA PAMUNUAN NG ISANG DESENTE, MAKATAO, MAKATARUNGAN AT MAKAMAMAYANG GOBYERNO!
HUWAG NATING HAYAAN AT PABAYAAN ANG MGA TAONG HANDANG MANINDIGAN PARA SA KAPAKANAN NG ATING BAYAN!
>From Sundalo Tagapagtanggol Website :
THE PEOPLE ARE CALLED UPON TO CONVERGE IN MAKATI TRIANGLE, AYALA AND MAKATI AVENUE NOW TO BRING FORTH A NEW GOVERNMENT!
RISE UP AND BE COUNTED
We presently find in existence a dangerous concept where the armed forces now owe their primary allegiance and loyalty to those who temporarily exercise the authority of the executive branch of the government rather than to the country and the Constitution they have worn to protect.
That is a concept we defy and struggle to eradicate.
If you believe you are a man of will and courage with unselfish motives and brave enough to fight against such tyranny, RISE UP AND BE COUNTED!
Para sa Bayan
(PSB)
Read More...
checkFull("post-7790212396175473903");
---------------------------------
Be a better sports nut! Let your teams follow you with Yahoo Mobile. Try it now.
-------------- next part --------------
An HTML attachment was scrubbed...
URL: http://broodonline.com/pipermail/ryodan_broodonline.com/attachments/20071129/882a495c/attachment.html
More information about the Ryodan
mailing list